Posted by: joliber on: October 30, 2007
Yesterday, I exercised my right of suffrage. But believe me, I was truly frustrated the last three days.. Why? Read more..
Di ko mapigilan ang damdamin ko na maghimutok dahil ako mismo, nasaksihan ko ang isang napakaruming pulitika. In our Barangay, parang Chess game. Bawat panig nagbabantayan. Ang Vote-buying harap-harapan. Ang mga coordinators at mga supporters halos alang tulugan sa pagbabantay sa mga “undecided”.
Some may say it’s natural nowadays. Panunuhol na raw ang naghahari sa Philippine politics. But in the next paragraph, you will realize what’s my real point. Why? Continue reading..
Mayroon kaming kaibigan. Pumunta siya sa bahay kahapon. Katatapos lang daw niyang bumoto. Pero mayroon siyang sinabi na talagang maituturing mong karima-rimarim. Ang magkabilang “SK Chairman” candidates sa aming barangay ay nagbibigay daw ng P200 -P500. Katunayan, sinubukang suhulan ang dalawang anak niya na bumoboto sa SK.
Ngayon tanong ko, di ba ito karima-rimarim? Di ba ito karumal-dumal? Maging ang mga bata na “public officials” in the future tinuruan nang bumili ng boto.. Ganito na ba ang pagiging kusintidor ng mga mapagsamantalang magulang? Iyan ba ang gusto ninyong ipamana sa magiging apo ninyo?
O baka naman balak ninyong kunin ang pondo ng mga SK dahil kayo naman ang nagbigay ng pang-suhol sa inyong mga anak para manalo? Grabe, naawa ako sa inyo.. Di kayo mabuting halimbawa. Tinuturuan ninyo ang mga bata na magnakaw. Kayo mismo, ninanakaw ninyo ang mabuting ugali ng mga anak ninyo..
Sana, mga mahal naming magulang, ipamana ninyo sa amin ang isang magandang lipunan. Sana hindi mismo kayo ang salarin sa madilim naming hinaharap.
Naniniwala ako, mas marami ang magulang na tunay na nagmamahal sa kanilang mga anak. Huwag nating tularan ang iilan na mapagsamantala at nabubulag sa kapangyarihan ng pulitika.
I repeat, I pity those wicked parents of some SK candidates.