Posted by: joliber on: October 17, 2007
As I always claim, www.mapiles.com is for everybody. One of its main objectives is to provide a mirror for Social Media. That’s why I decided to post this open letter “From the Wife of an OFW”.. Take time to read..
Sa mga kinauukulan:
Nung isang gabi, aking narinig sa isang pambalitaangprograma sa telebisyon ang balitang kaya daw hindiumuunlad ang mga pamilya ng OFW ay dahil maluluho angpamilya ng OFW. Palagi daw naggo-grocery atnagmo-mall. Dalawang beses daw sa isang lingo kungkumain sa labas. Nag-isip ako at nagtanong sasarili.”talaga?
“Ngayong gabi lang, nasaksihan ko ang balita satelebisyon na nagsasabing muling sumadsad ang palitanng piso sa dolyar sa pinakamababang antas nito: P44.05. Sinasabi rin na tinatayang sasadsad pa anghalaga ng dolyar sa pagdating ng Disyembre sakadahilanang babaha ang padala ng mga OFW.
Sinasabi ng gobyerno, ito raw ay magandang balita. Ang paglakas daw ng piso ay nangangahulugan ng pagbuting ekonomiya ng bansa.
Alam ninyo, wala naman kaming magagawa kung sumadsadang halaga ng dolyar e. Hindi rin naman kami againstsa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Kaya lang,bakit ganun? Bakit hindi naming nararamdaman naumuunlad nga ang ating ekonomiya?
Kagabi din, ibinalitang tataas ang presyo ng asukalbago mag Undas. Tinatayang aabot na hanggangDisyembre ang mataas na presyo nito. Teka, kala ko babumubuti ang ekonomiya natin? Parang kailan lang,tumaas ang presyo ng bigas, ganun din ang petrolyo? Kung bumubuti ang ekonomiya ng bansa, bakit hindinaibababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin? Bakit sa halip na bumaba ang presyo ng mga produktongkaraniwang pangangailangan ng pamilyang Pilipino,patuloy pa ang mga ito sa pag-taas? Pakisagot ngakaming mga pamilya ng OFW?
Sabi ng gobyerno, ang mga OFW daw ay ang mga bagongbayani ng bansa. Sila ang ating main export. Dahilsa kanila, nabubuhay ang ekonomiya ng bansa. Ngunitsa balitang “bababa ang palitan ng dolyar hanggangDisyembre dahil sa mga padala ng mga OFW”, hindi baito ay malinaw na pang-gagatas sa kanila? Mga walangutang na loob! Ginagatasan ninyo ang mga bayanininyo!
Alam ninyo, okay din lang naman sa kanilang mga OFW nagatasan kung makikita at mararamdaman din lang namannila ang pag-unlad ng bansa. Pero kung ganitongginagatasan na sila, niloloko pa.aba, teka! Sino batalaga ang nakikinabang dito? Akala ba ninyo epinupulot lang nila ang perang ipinadadala dito parakotongan ninyo? Makunsyensiya naman kayo! Angkapalit nyan ay walang tigil na trabahong hindiiniinda ang sakit ng katawan sa pagod, mga masasakitna salitang pinagtitiisang pakinggan, paglunok ngkahihiyan at prinsipyo, malalamig na gabing angkapiling lang ay larawan ng kanilang minamahal,pagsalang ng pisikal na katawan sa napakalamig onapaka init na temperatura. Lahat ng klasengpag-titiis.iyan ang katumbas ng halagang ipinadadalang mga OFW dito.iyan ang halagang ngayon aypinagbabalakan ninyong pagsamantalahan.Nasaan ang pagpapahalagang para dapat ay sa kanila atsa kanilang pamilya? Sa aming mga pamilya ng OFW,okay lang. Sabi nga ng iba, mas nakahihigit kami ngpamumuhay kaysa sa mga minimum wage earners nanagta-trabaho dito sa Pilipinas. Nakakaluwag kami sapamumuhay. Nabibili naming ang aming gusto higit pasa aming pangangailangan. Pero alam ninyo, parangpareho din.
Ang minsan naming pagsasaya, tulad ng pagkain salabas, panonood ng sine, paglilibang, at pamimili, maykaukulang tax ding 12% na napupunta sa gobyerno. Minsan lang naming itong gawin, babalik din kami sapamumuhay ng pangkaraniwang minimum wage earners ditosa Pilipinas. Bibili pa din kami ng bigas, gas,asukal, gatas, noodles, tinapay, tuyo, gulay, karne,sabon, at iba pa. Gagamit pa din kami ng kuryente attubig. Sasakay pa din kami sa mga pampublikongsasakyan. Magbabayad pa din kami ng tuition fee sapaaralan. At ganun din ang singil sa amin sa mgapagamutan kung kami ay magkakasakit. Wala namankaming espesyal na pribiliheyo e.Ang sabi ninyo, maluluho kaming pamilya ng OFW. Hindikami maluluho. Kino-compensate lang naming ang amingpangungulila sa aming mahal sa buhay. May karapatankaming gawin ito ayon sa aming kagustuhan. Hindi ba’tnakikinabang din naman kayo kapag kami ay naglilibangdahil sa laki ng tax na ipinapataw ninyo?
Sa baba ng palitan ng piso sa dolyar, nagiging halospareho lang ang kita kung doon man sa ibang bansamaghanap buhay o dito sa Pilipinas. Ang kaibahan, masmadaming oportunidad ang naibibigay ng ibang bansakaysa dito sa ating bansa. Paano namang magkakaroonng magandang oportunidad dito, e sa gobyerno pa lang,wala nang inatupag kundi ang sarili nilang kapakanan. Nagtatalo-talo dahil naglalamangan sa ipinapasok sakani-kanilang mga bulsa.
Hoy, mga walang kunsyensiya, pera naming mga mamamayanang ibinubulsa ninyo! Patunayan ninyong lumalago angekonomiya at papayag kami sa pagbaba ng halaga ngdolyar. Patunayan ninyo! Utang ninyo yan sa mgamahal namin sa buhay na nagpapakamatay sa hirap saibang bansa. Kung hindi man, ilabas ninyo kung sinoang nakikinabang sa kawalanghiyaang ito.Madami na kaming sama ng loob sa inyo. Sana naman,bigyan ninyo ito ng karampatang pansin.
Ang minsan naming pagsasaya, tulad ng pagkain salabas, panonood ng sine, paglilibang, at pamimili, maykaukulang tax ding 12% na napupunta sa gobyerno. Minsan lang naming itong gawin, babalik din kami sapamumuhay ng pangkaraniwang minimum wage earners ditosa Pilipinas. Bibili pa din kami ng bigas, gas,asukal, gatas, noodles, tinapay, tuyo, gulay, karne,sabon, at iba pa. Gagamit pa din kami ng kuryente attubig. Sasakay pa din kami sa mga pampublikongsasakyan. Magbabayad pa din kami ng tuition fee sapaaralan. At ganun din ang singil sa amin sa mgapagamutan kung kami ay magkakasakit. Wala namankaming espesyal na pribiliheyo e.Ang sabi ninyo, maluluho kaming pamilya ng OFW. Hindikami maluluho. Kino-compensate lang naming ang amingpangungulila sa aming mahal sa buhay. May karapatankaming gawin ito ayon sa aming kagustuhan. Hindi ba’tnakikinabang din naman kayo kapag kami ay naglilibangdahil sa laki ng tax na ipinapataw ninyo?
October 24, 2007 at 6:21 pm
mukang malaki publema mo!!!!